Thursday, March 10, 2011

Namiss Ko Sya

Hindi ako sanay umalis mag-isa. Sanay kc akong kasama sya palagi. Idagdag mo pa yung fact na uuwi ako dahil iniwan na kami ni Lola. Wala yung nagpapasaya sakin at nagbibigay ng lakas ng loob sakin. Sobrang lungkot...

Nung nasa airport ako, namiss ko sya. Nakita ko kc yung CR, na paglabas ko, andun sya naghihintay.

Nung naglalakad ako sa airport, namiss ko sya. Nakita ko kc yung kopitiam, kumakain muna kc kami bago kami pumunta sa boarding gate.

Nung naghihintay ako for boarding, namiss ko sya. Wala kc akong kawentuhan. Wala akong kalambingan.

Nung papasok na ko sa plane, namiss ko sya. Wala kasi yung umaalalay sakin.

Nung nasa loob na ko ng plane, namiss ko sya. Wala kc akong katabi. Walang taga patay ng AC ko at taga on/off ng ilaw ko.

Nung inaantok na ko, namiss ko sya. Wala kc akong balikat na sasandalan or sasandigan. 

Nung malapit na kami sa pinas, namiss ko sya. Wala kcng gigising sakin at wala yung tagapagpaalala ko na kailangan ko sagutan yung arrival card ko.

Nung nasa NAIA na ko, namiss ko sya. Wala kc akong kausap habang naghihintay sa susundo sakin.

Nung nakita ko na pamilya ko at tinanong kung nasan sya, namiss ko na naman sya.

Namiss ko 'sya... Namiss ko sya ng sobra...

No comments:

Post a Comment